, ,

NICE!!!!

Wednesday, March 21, 2007 Leave a Comment

Saya, isang buwan akong nawala tapos isasalubong lang ng photo bucket sa akin ay isang malaking...


The album and media you've requested are currently unavailable. We are working to resolve the situation. Thank you for your patience.


Hay naku!!! Bakit nga ba ako nawala??? Yeah, natabunan ako ng gagong thesis na yan... Pucha! Tatlong linggo kong tinarabaho yan tapos alang kakwenta-kwenta defense.... Ala daw sila makitang butas kaya ayun, naaprove agad... sayang yung putik na 500 na binayad ko at yung mini-cakes na pinakain namin, kala ko ba naman e pagpapawisan ako.... hayup! Kaya ayan, survey na lang...


Ayun pa pala, dahil sa sobrang bilib yung thesis adviser namin na nagkataon ding dean namin sa siete naming thesis, e plano pa ba namang isali sa kung anong congress yun... pasasakitin nanaman nya ulo ko para iedit yang thesis na yan, e kung alam ko na sana sa umpisa pa lang ang plano niya, di hindi ko na sana cinut and paste lang ung thesis na yun...


Ano pa ba??? Ayun, galing pala kami mall kanina after a long time kaming di nagkakasama-sama dahil nga sa busing buhay. Balak ni JM na magpapierce dahil narin sa pagpressure namin pero after matapos butasan yun GF nya, bigla ba namang nag-backout yung gago, natakot sa konting sakit... hahaha Dude, nice one!!!


Tapos yung isa, si mam kitz, inatake ng bipolar disorder... iiyak tapos biglang magiging ok.. gulo no? sabi niya, depersonalization daw!!! whatever!!!!


Katatapos lang ng departmental exams din namin nun monday! ang saya, super hirap.... super hirap mangopya... haha Actually, it's the other way around, super luwag nga ng proctor namin na kahit tanungin mo na yung katabi mo e ok lang... pano ba naman kasi, e type nya ung isang ka-block ko... i just can't blame him naman, dahil talagang maganda siya... jeje Ayan, antay na lang ng grades!!! pero dor sure di naman ako babagsak, pano ba naman kasi, apat na DL ang nagtulung-tulungan dun sa exam, may mas hihigit pa kaya dun... haha


May seminar pala ako sa monday with Joe dV... ewan ko ba ba't ako pa, pero nung itinatong ko, student leader daw kasi ako!!! What??? Di nga ko member ng SSC, tapos di pa ako bumuboto sa election tapos naging student leader ako? haha Kulit no? Pero for sure, ala kasi mapadala department namin dahil ala tumakbong prez this year, kaya yun... Pero baka next year, tatakbo ako, kung walang ibang tatakbo... nyahaha kinausap ko na nga yung isang balak magprez e, tapos sabi nya, magVVP na lang daw siya kung tatakbo akong Prez... Nice!!! Pero ano platform ko??? Hmmm....


What else??? Oh yeah, physical exam ko for affiliation next tuesday... as usual, hubad sa harap ng doc, cough, konting hawak sa balls baka me hernia and un, puede na siyang kasuhan ng sexual violation... hahaha Kupal, bakit pa kasi ako nagnursing, yan tuloy, PE nanaman, buti sana kung female doctor... hahaha


Saya, bakasyon na... pero after 1 week, duty nanaman!!! Parang di ka estudyante pag nursing course mo, lagi na lang me pasok... Holy week na nga, start pa ng summer duty mo... buti din sana kung yung bakasyon mo e derecho... syempre, punta ka pa school para tignan grades mo, tapos yang seminar pang yan, tapos yung PE pa yan, tapos me orientation pa pala ako sa thursday para sa affiliation... di ko talaga matatawag na bakasyon to... lech


Have a break, Have a kitkat!!! nyahaha masisiraan na talaga ako ng ulo nito... peace! ;)

0 comments »