, , ,

just when you thought there's no heaven

Thursday, March 22, 2007 Leave a Comment

wala na sana akong balak pumunta sa school kanina tutal bakasyon ko na din lang naman pero tinext ako ni Dr. Leproso, ang NCM102 adviser namin, at nagpapatulong magcompute ng grades namin dahil daw uupo daw sa sa defense ng mga people na di pa tapos magdefense, so yun, ligo agad at puntang school...


sakto, pag dating ko sa school, unang tao na nakita ko e si Mam Satan, my instructor from hell. Paano ba naman, super pinag-iinitan niya ang block namin dahil lang sa isang person then pati nga ibang block nadamay na rin, that's why they're fond of calling us the "star block". Yeah, most of the Dean's Listers are in our block, pero tama ba naman na paginitan kami at pahirapan... Yun, greet ko siya and as usual, di nya ko pinansin...


so derecho na ko nursing office, tapos binigay na nga ni Dr. Leproso yung icocompute ko. Iniwan nya na ko doon dahil nga he's running late na nga daw. While i was browsing through our grades, biglang gulat ako na 90 ang grade ko ke Mam Satan. Aba naman, habang super daming line of 6 at 7, ako, line of 9!!! wow! in fact, ako lang ang line of 9! Ang saya saya talaga! Imagine, me galit siya sa amin tapos line of 9 ang grade ko... Kabilib talaga and to think na 2 quizzes lang naipasa ko!!! hahaha


pero di pa final un, dahil hindi pa included yung departmental exams namin na ang Acad ang nagcocompute, pero ang saya talaga no! kala ko hell on earth na, yun pala me awa din pala siya...


sana nakabawi talaga ako dahil ang baba ng midterm grades ko, to think na DL pa man din ako... hahaha pero nakita ko na RLE grades ko, 93, and yeah, yun na yung highest sa block namin... hehehe


pero kaawa din yung mga line of 6 and 7 sa kanya. ginawa na nga lahat ni Doc Leproso ang lahat ng makakaya nya, pero sobrang hinila ni Mam Satan ang accumulated grades nila for NCM... yun nga lang, of all the blocks sa amin, block namin ang me pinakamababang possibility na may bumagsak. In fact, mga 2 lang daw kung sakali, and then me possibility pa nga na pumasa kaming lahat... Galing talaga namin diba??? hahaha


oh well, let's just see na lang what happens pag irerelease na yung grades. sana na, walang mortality sa block namin at sana maretain ko ang pagiging DL ko (although ala naman talaga siyang benefit besides the recognition... hahaha)


later! ;)

0 comments »