juggling is such a hard act

Monday, August 21, 2006 Leave a Comment

buti na lang at wala akong duty ngayon salamat na lang sa weather at kung hindi e halos 1 month na rin plang walang bagong entry itong blog na ito... hehe ang hirap naman kasi ng duty ko, super grave yard shift, from 11-7 ba naman at laging ICU pa, di windang talaga ako pag-uwi at tulog buong umaga. kung puwede na nga lang at di na ako maligo bago matulog, e gagawin ko talaga, nakakatakot na nga lang at baka mahawa ako sa mga sakit na dinala ko galing hospital so no choice but to shower pa at patuyuhin ang buhok.

pero ang saya din magduty sa ICU, kahit walang pahinga kahit man lang pangmerienda. buti na nga lang yung mga kasama ko at nakakapunta pang 7-11 to buy foods, ako, ala talaga, pabili na lang at halos hindi ko pa makain yung pinabili ko. Ang mabuti na nga lang e hindi pa ako napapatayan ng pasyente.

Pero grabe pala pag me toxic na client, super gulo sa loob ng ICU, halos hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo, panonoorin yung nag-50/50 na patient o asikasuhin pa yung patient mo na din naman ganun kagrabe ang case. Noon ngang pinapanood ko minsan yung kagroup ko, halos hindi nya na makayanan yung ginagawa nya dahil alam nya ng wala na talagang pagasa mabuhay yung patient na dahil yung mga doctor na mismo, ayaw na rin irevive yun.

Pero nasubukan ko na ring magpostmortem care, at halos hindi ko din kayanin nung una. 1st time kong makakita ng patay nun at kelangan ko pang linisan, as in, kung kaya ko lang tanggihan, talagang tatangihan ko yun, pero no choice, ako talaga naglinis ng bangkay. almost 1 week ko nga rin before nakalimutan yung mukha nun patay e, ayaw nya ba naman ako patulugin.

1 week na lang talaga at tapos na tong grave yard shift ko... hay...

sa ibang dako naman, nauto nanaman ako ng mga CI ko na maging over-all in charge sa nursing day namin na gaganapin sa Sept 1. Hirap kaya mag-organize ng event, sa katunayan nga, yung mr. and ms. nursing pa lang nauumpisahan namin e at un audition for the singing contest pa lang... mga 5 more events pa ang la pang audition, sakit na naman ng ulo to....

tapos examination week na naman after that... hay, kaya naman pala nagkakapimple outbreak nanaman ako e... gotta go to the derma soon, super kelangan ko na ng facial.

ano pa ba, a oo nga pala, sira pa rin yung stupid na phone ko. binalik na siya ng globe yet me sira pa rin so binalik ko uli. pag di pa naayos yun, nagpaparinig na ako sa mum ko na bilhan ako new phone dahil halos naghihingalo na rin tong ginagamit ko ngayon... lapit na rin naman kasi birthday ko e.. hehe i think i'm eyeing nokia 6680 o kaya samsung d600i, depende na lang sa budget na ibibigay nya.. .hehe

neways, that's it for now. later! ;)

0 comments »