,

shooting blanks

Monday, April 9, 2007 Leave a Comment

Alam mo yung mga araw na halos wala kang magawa't nakatunganga ka na lang sa ceiling nagbibilang ng mga butiking dumadaan? Isa ang araw na ito sa mga iyon.


As in super bagal ng oras, tapos wala namang matinong gawin. Buksan ko man ang TV, wala namang magandang panoorin. Nag-net na din ako pero tinamad ako after kung sumagot ng 2 chain mails ng mga kaibigan ko. Sobrang boring talaga.


Gusto ko man lumabas, wala din akong mayaya. Depressed ang mga tao, ewan ko ba kung anong meron. Tapos papadeliver din sana kami ng shobe ko ng ice craze, e hindi din pala nagdedeliver ang Jollibee nun kaya no use. Bakit ba me delivery pa sila e hindi din pala puede order ko?


Tapos maghahanap ka ng katext, walang naka-unli... Pano ba naman kasi, expired na yung 5 days nila tapos bukas pa magkakapera dahil walang baon kaya ayan, stuck talaga ako dito na wala lang. Saya-saya talaga.


Ang tagal ng bukas, ito yung mga araw na miss mo talagang pumasok kahit na alam mong magrereact kang wala sanang pasok once na pumasok ka. E kaysa naman kasi nakatunganga lang ako dito, at least pag pumasok ako, may baon, unlike nito na wala. Reklamador talaga...


Buhay nga naman talaga, hinahanap kung ano ang wala.


A ewan, sana bukas na at baka masiraan pa ako dito sa kakahanap ng wala.

0 comments »