Night Shift

Monday, February 12, 2007 Leave a Comment

Mareklamo na kung mareklamo ako pero super talagang sakit ng ulo ko tuwing gumigising ako sa hapon tuwing magduduty ako sa gabi. Yung feeling na ang bigat ng pakiramdam tapos dehydrated ka pa tsaka gutom pa, ang hirap talaga.


Tapos kanina ay kailangan ko pang gumising ng maaga dahil sa pesteng CXR at ECG exam na requirement sa school. Akala ko e gabi siya pero tumawag ang kaklase ko dahil dumaan pa siya sa school after ng duty para magbayad at saktong nakasalubong nya si dean, sabi niya morning daw kami, kaya ayun, pinilit ko talagang bumangon. Buti kung accurate yung results nung pesteng ECG, e puyat nga ako tapos ang taas pa ng BP ko nung kinuha yun, gago talaga yung operator nung machine.... hahaha


Ano pa ba, ayun, kagabi e natapos ko na rin ang lecheng 5 cord dressings na required ng PRC para sa board exams. Suerte nga ng group ko e, halos lahat kami complete na ang minor, major at cord dressing cases tapos yung mga kasabay namin kagabi e mga 4th years na naghahabol ng cases. At least alaga talaga kami ng school namin... naks!


Pero ang yayabang nung mga ungas na yun, porke second course na nila e tatamad-tamad sila. Pareho naman kami asa NICU, pero ni ayaw nila pumasok dun para mag-alaga ng mga babies dahil nga daw "for completion" lang sila. Buti sana kung walang toxic na patient doon, e may ina-ambu-bag kaya kami... buti naisipan namin na magbreak at iwan ang trabaho sa kanila, pero after just 1 hour, reklamo ba naman agad ang mga peste... anak ng mga tipaklong naman talaga...


Two more weeks at tapos na kami sa NICU. Sana nga e matapos na dahil super breakdown na ko pag hindi pa... hahaha

0 comments »