Showing posts with label rantings. Show all posts
Showing posts with label rantings. Show all posts
,

It just won't die

Friday, June 22, 2007 0 comments

my blog, that is. i just can't give up on it, though it takes me almost a month to create a new entry. hehe


i've really been busy these couple of weeks. i didn't enjoy my supposed 2 weeks break after my last duty a month ago. i have too much things to do that i can't even find time to unwind.


first, i've finally finished our, ooops, my thesis. well, i've done it on my own anyways, so i have the right to call it mine. haha after a lot of revisions, finally, i've finished it. and it's a fulfillment for me. i've even rewarded myself an ipod. haha top that!


then there's this org election next week where i'm supposed to run unopposed for the presidency. i don't even have a platform as of now and the election is next week. i'm doomed! well, i've only had my line-up filled just yesterday afternoon, and that ain't a good sign too. haha let's just hope everything works out fine.


another thing, i'm trying to get my back-subjects this sem in order for me to graduate next sem. well, because i have duties for 3 days a week and lectures during the remaining 2 days, the only choice i have to get those subjects is thru tutorial. I really hope it's the modular type so i don't have to spend my saturdays on school too. its just 5 units anyways. haha


then i've been assigned to a new toxic CI who doesn't even want to sit down during our duty. He wanted us to do something when we are doing nothing. Heck, he wanted us to know every detail inside the chart of our patient have. Waaahh...


Well, i really hope i do find time to keep this alive. hehe


Later! Read the full story

,

shooting blanks

Monday, April 9, 2007 0 comments

Alam mo yung mga araw na halos wala kang magawa't nakatunganga ka na lang sa ceiling nagbibilang ng mga butiking dumadaan? Isa ang araw na ito sa mga iyon.


As in super bagal ng oras, tapos wala namang matinong gawin. Buksan ko man ang TV, wala namang magandang panoorin. Nag-net na din ako pero tinamad ako after kung sumagot ng 2 chain mails ng mga kaibigan ko. Sobrang boring talaga.


Gusto ko man lumabas, wala din akong mayaya. Depressed ang mga tao, ewan ko ba kung anong meron. Tapos papadeliver din sana kami ng shobe ko ng ice craze, e hindi din pala nagdedeliver ang Jollibee nun kaya no use. Bakit ba me delivery pa sila e hindi din pala puede order ko?


Tapos maghahanap ka ng katext, walang naka-unli... Pano ba naman kasi, expired na yung 5 days nila tapos bukas pa magkakapera dahil walang baon kaya ayan, stuck talaga ako dito na wala lang. Saya-saya talaga.


Ang tagal ng bukas, ito yung mga araw na miss mo talagang pumasok kahit na alam mong magrereact kang wala sanang pasok once na pumasok ka. E kaysa naman kasi nakatunganga lang ako dito, at least pag pumasok ako, may baon, unlike nito na wala. Reklamador talaga...


Buhay nga naman talaga, hinahanap kung ano ang wala.


A ewan, sana bukas na at baka masiraan pa ako dito sa kakahanap ng wala. Read the full story

,

The end of summer as i call it

Monday, April 2, 2007 0 comments

habang ang iba ay nagplaplano pa lang ng bakasyon nila, ako'y balik duty kanina. sakit sa katawan sobra, lalo pa't alam mong umpisa ng semana santa tapos ika'y asa loob ng hospital habang ang iba'y nagsasaya...


okay lang sana kung sa Delivery Room ako inilagay dahil kelangan ko talaga ng delivery cases, e ibinalik ba naman ako sa Operating Room kung saan e halos tapos ko na ang cases ko. Gusto kong imaster ang OR, pero sa tatlong araw lang naming stay, what can i learn from that? Tapos next week balik na naman akong Nursery, e tapos ko na rin ang cases ko doon e. I want to have a break... hahaha


Buhay Nursing nga naman talaga, walang kapahinga-pahinga. Tapos last week ni hindi man lang ako nakapagstay sa loob ng bahay ng isang buong araw sa kakaantay ng grades... Ayun, syempre pumasa dahil nga me pasok ako ngayon, pero tapos na ang term ng aking pagiging half-scholar. Kinulang ang grades ko para sa cut-off, actually, parang wala ngang academic scholar sa batch namin last sem dahil bitin ang mga grades namin. Dean's Lister, oo, pero scholar, wala talaga. Sayang kupit... hehehe


sakit talaga ng katawan ko, sige, next time ulit... jeje Read the full story

, , ,

just when you thought there's no heaven

Thursday, March 22, 2007 0 comments

wala na sana akong balak pumunta sa school kanina tutal bakasyon ko na din lang naman pero tinext ako ni Dr. Leproso, ang NCM102 adviser namin, at nagpapatulong magcompute ng grades namin dahil daw uupo daw sa sa defense ng mga people na di pa tapos magdefense, so yun, ligo agad at puntang school...


sakto, pag dating ko sa school, unang tao na nakita ko e si Mam Satan, my instructor from hell. Paano ba naman, super pinag-iinitan niya ang block namin dahil lang sa isang person then pati nga ibang block nadamay na rin, that's why they're fond of calling us the "star block". Yeah, most of the Dean's Listers are in our block, pero tama ba naman na paginitan kami at pahirapan... Yun, greet ko siya and as usual, di nya ko pinansin...


so derecho na ko nursing office, tapos binigay na nga ni Dr. Leproso yung icocompute ko. Iniwan nya na ko doon dahil nga he's running late na nga daw. While i was browsing through our grades, biglang gulat ako na 90 ang grade ko ke Mam Satan. Aba naman, habang super daming line of 6 at 7, ako, line of 9!!! wow! in fact, ako lang ang line of 9! Ang saya saya talaga! Imagine, me galit siya sa amin tapos line of 9 ang grade ko... Kabilib talaga and to think na 2 quizzes lang naipasa ko!!! hahaha


pero di pa final un, dahil hindi pa included yung departmental exams namin na ang Acad ang nagcocompute, pero ang saya talaga no! kala ko hell on earth na, yun pala me awa din pala siya...


sana nakabawi talaga ako dahil ang baba ng midterm grades ko, to think na DL pa man din ako... hahaha pero nakita ko na RLE grades ko, 93, and yeah, yun na yung highest sa block namin... hehehe


pero kaawa din yung mga line of 6 and 7 sa kanya. ginawa na nga lahat ni Doc Leproso ang lahat ng makakaya nya, pero sobrang hinila ni Mam Satan ang accumulated grades nila for NCM... yun nga lang, of all the blocks sa amin, block namin ang me pinakamababang possibility na may bumagsak. In fact, mga 2 lang daw kung sakali, and then me possibility pa nga na pumasa kaming lahat... Galing talaga namin diba??? hahaha


oh well, let's just see na lang what happens pag irerelease na yung grades. sana na, walang mortality sa block namin at sana maretain ko ang pagiging DL ko (although ala naman talaga siyang benefit besides the recognition... hahaha)


later! ;) Read the full story

, ,

NICE!!!!

Wednesday, March 21, 2007 0 comments

Saya, isang buwan akong nawala tapos isasalubong lang ng photo bucket sa akin ay isang malaking...


The album and media you've requested are currently unavailable. We are working to resolve the situation. Thank you for your patience.


Hay naku!!! Bakit nga ba ako nawala??? Yeah, natabunan ako ng gagong thesis na yan... Pucha! Tatlong linggo kong tinarabaho yan tapos alang kakwenta-kwenta defense.... Ala daw sila makitang butas kaya ayun, naaprove agad... sayang yung putik na 500 na binayad ko at yung mini-cakes na pinakain namin, kala ko ba naman e pagpapawisan ako.... hayup! Kaya ayan, survey na lang...


Ayun pa pala, dahil sa sobrang bilib yung thesis adviser namin na nagkataon ding dean namin sa siete naming thesis, e plano pa ba namang isali sa kung anong congress yun... pasasakitin nanaman nya ulo ko para iedit yang thesis na yan, e kung alam ko na sana sa umpisa pa lang ang plano niya, di hindi ko na sana cinut and paste lang ung thesis na yun...


Ano pa ba??? Ayun, galing pala kami mall kanina after a long time kaming di nagkakasama-sama dahil nga sa busing buhay. Balak ni JM na magpapierce dahil narin sa pagpressure namin pero after matapos butasan yun GF nya, bigla ba namang nag-backout yung gago, natakot sa konting sakit... hahaha Dude, nice one!!!


Tapos yung isa, si mam kitz, inatake ng bipolar disorder... iiyak tapos biglang magiging ok.. gulo no? sabi niya, depersonalization daw!!! whatever!!!!


Katatapos lang ng departmental exams din namin nun monday! ang saya, super hirap.... super hirap mangopya... haha Actually, it's the other way around, super luwag nga ng proctor namin na kahit tanungin mo na yung katabi mo e ok lang... pano ba naman kasi, e type nya ung isang ka-block ko... i just can't blame him naman, dahil talagang maganda siya... jeje Ayan, antay na lang ng grades!!! pero dor sure di naman ako babagsak, pano ba naman kasi, apat na DL ang nagtulung-tulungan dun sa exam, may mas hihigit pa kaya dun... haha


May seminar pala ako sa monday with Joe dV... ewan ko ba ba't ako pa, pero nung itinatong ko, student leader daw kasi ako!!! What??? Di nga ko member ng SSC, tapos di pa ako bumuboto sa election tapos naging student leader ako? haha Kulit no? Pero for sure, ala kasi mapadala department namin dahil ala tumakbong prez this year, kaya yun... Pero baka next year, tatakbo ako, kung walang ibang tatakbo... nyahaha kinausap ko na nga yung isang balak magprez e, tapos sabi nya, magVVP na lang daw siya kung tatakbo akong Prez... Nice!!! Pero ano platform ko??? Hmmm....


What else??? Oh yeah, physical exam ko for affiliation next tuesday... as usual, hubad sa harap ng doc, cough, konting hawak sa balls baka me hernia and un, puede na siyang kasuhan ng sexual violation... hahaha Kupal, bakit pa kasi ako nagnursing, yan tuloy, PE nanaman, buti sana kung female doctor... hahaha


Saya, bakasyon na... pero after 1 week, duty nanaman!!! Parang di ka estudyante pag nursing course mo, lagi na lang me pasok... Holy week na nga, start pa ng summer duty mo... buti din sana kung yung bakasyon mo e derecho... syempre, punta ka pa school para tignan grades mo, tapos yang seminar pang yan, tapos yung PE pa yan, tapos me orientation pa pala ako sa thursday para sa affiliation... di ko talaga matatawag na bakasyon to... lech


Have a break, Have a kitkat!!! nyahaha masisiraan na talaga ako ng ulo nito... peace! ;)
Read the full story

katamaran mode

Sunday, February 18, 2007 0 comments

i should be doing two NCPs (Nursing Care Plan for those of you non-nursing studs) today for my duty tonight and yet look at what i'm doing... haha


sobrang nakakapiga ng utak gumawa ng NCP para sa NICU (Neonatal Intensive Care Unit), unlike pag adults na may reading pocket guide, dito, gasgas talaga utak mo... wala ka pang makitang subjective data dahil iyak lang naman alam ng mga ungas na bata (gago ko talaga.. haha). waaah, 4 more hours to go...


tatlong oras na ko sa harap ng laptop ko, ala talaga pumasok, ikot lang talaga ako ng ikot sa web. asar talaga. sana bumagyo, ayaw ko na talaga magduty... tapos me exam pa pala kami mamaya... patay na talaga ako nito...


can someone please kill me now???? please!!!! hehehe Read the full story

, ,

Loser's Month part 2

Wednesday, February 14, 2007 0 comments

Everyone's paired up, in red, holding hands... and it sucks!


From the malls, to the fastfood joints even in jeeps, you could see couples so freaking sweet it's irritable. Can they just not show their affection with one another in a public place? Can they just not use Valentine's Day as an excuse? hay...


Me, well, I do have a date. Not just with one lady, but with three. Tonight, I'll be in the company of Adele Pilliteri, Linda Anne Silvestri, and Alice Stein. Nice! I'll be up all night with the company of these 3 gorgeous women memorizing every little things they had in their books for my fucking exam in Maternal and Child Nursing tomorrow. That's just how freaking great my Valentine's Day would be.... Hahaha


That's not all. Earlier this day, I've almost been on a case presentation with the case being prepared just last night. Good thing my clinical instructor was good enough to give us another week to revise our work.


What a day! When everybody's out there celebrating their affection for one another, I'm stuck here on my room trying to compress everything that i read into this little head of mine! What a luck! Read the full story

Night Shift

Monday, February 12, 2007 0 comments

Mareklamo na kung mareklamo ako pero super talagang sakit ng ulo ko tuwing gumigising ako sa hapon tuwing magduduty ako sa gabi. Yung feeling na ang bigat ng pakiramdam tapos dehydrated ka pa tsaka gutom pa, ang hirap talaga.


Tapos kanina ay kailangan ko pang gumising ng maaga dahil sa pesteng CXR at ECG exam na requirement sa school. Akala ko e gabi siya pero tumawag ang kaklase ko dahil dumaan pa siya sa school after ng duty para magbayad at saktong nakasalubong nya si dean, sabi niya morning daw kami, kaya ayun, pinilit ko talagang bumangon. Buti kung accurate yung results nung pesteng ECG, e puyat nga ako tapos ang taas pa ng BP ko nung kinuha yun, gago talaga yung operator nung machine.... hahaha


Ano pa ba, ayun, kagabi e natapos ko na rin ang lecheng 5 cord dressings na required ng PRC para sa board exams. Suerte nga ng group ko e, halos lahat kami complete na ang minor, major at cord dressing cases tapos yung mga kasabay namin kagabi e mga 4th years na naghahabol ng cases. At least alaga talaga kami ng school namin... naks!


Pero ang yayabang nung mga ungas na yun, porke second course na nila e tatamad-tamad sila. Pareho naman kami asa NICU, pero ni ayaw nila pumasok dun para mag-alaga ng mga babies dahil nga daw "for completion" lang sila. Buti sana kung walang toxic na patient doon, e may ina-ambu-bag kaya kami... buti naisipan namin na magbreak at iwan ang trabaho sa kanila, pero after just 1 hour, reklamo ba naman agad ang mga peste... anak ng mga tipaklong naman talaga...


Two more weeks at tapos na kami sa NICU. Sana nga e matapos na dahil super breakdown na ko pag hindi pa... hahaha Read the full story

Bakit Ganon?

Wednesday, February 7, 2007 0 comments

Matagal tagal ko na rin hinihintay na ipalabas ang "Heroes" sa bansa, at mga ilang linggo na ang nakalipas ng malaman ko na ito'y ipapalabas sa Star World. Cyempre, hinintay ko talaga siya pero last week e "Grey's Anatomy" pa rin ang pinapalabas sa time slot na slated para sa "Heroes", at nasa kalagitnaan pa lang ng second season nito kaya kala ko mali lang yung scheds na nakita ko...


Kanina ay naisipan kong dumaan sa site ng Star World, at gulat ako na hindi pala available sa Pilipinas ang show na ito. Ang galing... Lahat ng market ng Star World, Heroes ang palabas every Wednesday @ 9PM, dito lang ata Grey's Anatomy. Hindi naman sa ayaw ko ng Grey's, pero napanood ko na ang buong season 2 at matagal ko ng hinihintay ang Heroes kaya nakakadismaya talaga.


Then I've found out sa PEx na exclusively distributed ng Crime/Suspense ang Heroes dito... super bad trip, tinanggal ng cable provider namin ang channel na ito just a few months ago... Ang saya talaga... Then asa Crime/Suspense na din ang Survivor starting this Friday which was formerly being shown at Studio 23... bwusit talaga cable provider namin, kung kelan tumino ang Crime/Suspense saka naman ito nawala...


Sana meron na sa Quiapo Heroes!!!! waaaahhhhh........... Read the full story

buhay nursery

Saturday, February 3, 2007 0 comments

sa lahat ng ward ng ospital, nursery talaga ang pinaka-ayaw ko, at sa lahat talaga ng oras, night shift pa ang binigay. anak ng ****!!! buti sana kung isang linggo lang na ganito, e isang buong buwan akong magbabantay ng mga sanggol na sobrang lalakas pa naman umiyak! saka ang lamig pa pala ng weather, ang galing!


ang saya talaga ng buhay na ito... leche! hahaha Read the full story

new year, new life?

Monday, January 1, 2007 0 comments

hindi ko alam kung tama bang buhayin ang blog na ito after four months of absence pero why not, medyo maluwang na kasi schedule ko ngayon e...

actually, mahirap talagang mag-blog lalo na if your in your third year in college, it's the time when hectic na lahat, with the thesis, the hard subjects, you really don't have that much time to do other things, lalo na ako at nursing pa 'tong course ko, hay, pagod talaga ang katawan mo after your 8 hours of hospital duty. pero masaya naman siya, fulfilling... yeah, fulfilling siya pag nasa special area siya, pero kung ordinary ward ka lang at night shift ka pa, hay, mas masayang matulog ka na lang sa bahay.. nyahaha

new year ngayon, halos lahat ng tao, may resolution, pero ako, pass muna. actually, ilang years na rin akong alang resolution every new year dahil halos every year ay di ko rin naman ito naitutupad, so what's the use? i tried making agendas too, pero same thing happens, i always don't make it. so i've also stopped making one.

pero i really like to change, if not, correct a couple of things in my life, but i rather not put it in a list madidisappoint din lang ako when i try seeing if i did all those things by the year's end. i'll just try doing my best on all of the things i do this year... haha (yun din yun e)

a basta, too much had happened last year that i really need to make my life worthwhile this year. i guess this is my year to change, well i did thought of that a year ago and the year before that, but i really think that this is the year. whatever!

so what's the point of this point besides of reviving this dying blog? i dunno, i don't even think that i'm making any sense, basta one thing's for sure: i'll try my best to be a better man! beat that! nyahaha

ETA: Told me so, i didn't make sense at all! hehe neways, next time na lang, when the net's not fucked up and i have a longer period of time to write something.... jeje

later! Read the full story