,

The end of summer as i call it

Monday, April 2, 2007 Leave a Comment

habang ang iba ay nagplaplano pa lang ng bakasyon nila, ako'y balik duty kanina. sakit sa katawan sobra, lalo pa't alam mong umpisa ng semana santa tapos ika'y asa loob ng hospital habang ang iba'y nagsasaya...


okay lang sana kung sa Delivery Room ako inilagay dahil kelangan ko talaga ng delivery cases, e ibinalik ba naman ako sa Operating Room kung saan e halos tapos ko na ang cases ko. Gusto kong imaster ang OR, pero sa tatlong araw lang naming stay, what can i learn from that? Tapos next week balik na naman akong Nursery, e tapos ko na rin ang cases ko doon e. I want to have a break... hahaha


Buhay Nursing nga naman talaga, walang kapahinga-pahinga. Tapos last week ni hindi man lang ako nakapagstay sa loob ng bahay ng isang buong araw sa kakaantay ng grades... Ayun, syempre pumasa dahil nga me pasok ako ngayon, pero tapos na ang term ng aking pagiging half-scholar. Kinulang ang grades ko para sa cut-off, actually, parang wala ngang academic scholar sa batch namin last sem dahil bitin ang mga grades namin. Dean's Lister, oo, pero scholar, wala talaga. Sayang kupit... hehehe


sakit talaga ng katawan ko, sige, next time ulit... jeje

0 comments »